Sampung unibersidad sa Metro Manila ang umano ay sangkot sa ‘Red October’ ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr., 10 unibersidad ang inorganisa ng koalisyon na pinamumunuan ng Communist Party of the Philippines.
Ginawa ni Galvez ang pahayag sa pagdinig ng Senate committee on finance sa panukalang budget ng Department of National Defense sa 2019.
Ani Galvez, ang “Red October” plot ay pinagsamang armed struggle at legal struggle ng CPP-NPA gamit ang koalisyon na kinabibilangan n mgaestudyante at labor sectors.
Snabi ni Galvez na ang grupo ay nakapag-organisa na sa 10 unibersidad sa Metro Manila.
Sa ngayon aniya, nagsasagawa ng malawakang information drive ang grupo at bahagi nito ang pagpapakita sa mga high school at college students ng mga nangyari noong rehimeng Marcos at saka ihahalintulad ito sa kasalukuyang administrasyon.
Dagdag pa ni Galvez mayroon silang dokumento na magpapakita na si CPP founder Jose Maria Sison ay nagsagawa ng maraming conferences sa University of the Philippines.
Bahagi aniya ng plano ang “Operation Talsik” at “Operation Aklasan” kung saan idadaan sa labor protests ang mga pag-aaklas.
Kasama din sa plano ang mga mawalang pagkilos na inumpisahan noong Sept. 21 hanggang sa ika-50 anibersaryo ng CPP sa Disyembre.