Libreng nood sa sine alok ng Resorts World Manila sa mga senior citizen

Bilang paggunita sa Elderly Filipino Week, libre ang nood sa sine ng mga senior citizen sa Resorts World Manila ngayong linggo..

Nagsimula ang libreng sine kahapon, October 1.

Ayon sa pamunuan ng Resorts World lahat ng senior citizen ay libreng makakanood sa Newport Cinemas kahit pa hindi sila residente ng Pasay City.

Sinabi ni Kingson Sian, presidente at CEO ng Resorts World ito ay tugon nila sa letter-request ni Atty. Romulo Macalintal na isang senior citizens’ rights advocate.

Kay Resorts World owner at operator Dr. Andrew Tan ipinadala ni Macalintal ang liham. At habang nasa abroad, iniutos ni Tan na ipatupad ang libreng nood sa sine para sa mga nakatatanda.

Kailangan lamang ipakita ang anumang ID na mayroong birthdate o edad para maka-avail ng libreng sine.

Ngayong araw, libreng mapapanood ng mga senior citizen ang mga palabas sa Newport Cinemas 2 at 4 mula alas 11:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

At sa October 4 naman sa parehong cinemas mula alas 11:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Read more...