Pagdadawit kay Pang. Duterte sa kaso ni Cong. Bertiz, kalokohan – Malakanyang

Kalokohan ang turing ng Malakanyang sa banat ng mga kritiko na salamin ng uri ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inasal ni ACTS OFW Congressman John Bertiz sa NAIA terminal 2.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala nang maibatong puna ang mga kritiko kung kaya pati ang kaso ni Bertiz ay idinidikit sa pangulo.

Sinabi pa ni Roque na kailanman ay hindi umastang arogante ang pangulo at katunayan ay sumusunod sa mga security protocol tuwing nagtutungo sa airport.

Dagdag ni Roque, kaya ginagamit ang kaso ni Bertiz para sirain ang pangulo dahil tumaas na naman ang satisfaction ratings ng punong ehekutibo.

Sorry na lang aniya ang mga kritiko dahil mayorya pa rin sa mga Filipino ang patuloy na nagtitiwala kay Pangulong Duterte.

Read more...