Memorial mass idaraos para sa Pinay na pinatay ng Swedish na mister

Migrante Photo

Magdaraos ng memorial mass ang Filipino Community sa Stockholm, Sweden para sa Pinay na si Mailyn Conden Sinambong na pinatay ng kaniyang Swedish na mister.

Gagawin ang misa para kay Sinambong sa Jarfalla, Sweden, Martes na pangungunahan ng mga paring Pinoy, Filipino community at mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Oslo.

Mula Oslo, Norway ay nagtungo sa Stockholm si Consul General Ma. Elena Algabre para pangasiwaan ang repatriation sa mga labi ng Pinay.

Makikipag-usap din si Algabre sa abogad at piskal na humahawak sa kaso.

Sa inisiyal na impormasyon na nakuha ng embahada, ang 28 na si Mailyn ay nasawi matapos ang tinamong pinsala sa katawan nang siya ay bugbugin ng asawa na si Steve Abou Bakr Aalam.

Ang 50 anyos na Swedish ay aktor at direktor sa Sweden at ngayon ay nahaharap sa kasong murder.

Read more...