Inaasahan kasing lalo pang titindi ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa Metro Manila pagpasok ng holiday rush.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na panandalian lamang ang maitutulong ng odd/even scheme at kalaunan ay lalo pang makapagpapabigat sa daloy ng traffic dahil darami ang sasakyan sa kalsada.
Ngayong buwan sinabi ni Pialago na nakatakda ang pulong nila sa mga mall owners para sa pag-adjust ng kanilang mall operating hours.
“Sa Christmas rush ho, ang pakikipag-ugnayan po natin sa mall operators for adjustment sa kanilang mall operating hours will be this month. So antayin lang ho natin yon, kasi kapag ginather ho natin sila hindi pwedeng isa-isang mall kailangan lahat. wala na kaming massive na naiisip pa, ayaw ho naming mag-odd/even, makakatulong ho iyan sa ngayon pero ‘pag tagal ng magugulat ho tayo mas marami na pala ang sasakyan,” ani Pialago.
Maliban sa pag-adjust ng operating hours ng mga mall, sinabi ni Pialago na magpapatuloy ang paghihigpit nila sa mga umiiral na polisiya sa mga pangunahing lansangan. Gayundin ang clearing operations sa Mabuhay lanes.