Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara Kang panukala para sa pagbuo ng Department of Disaster Resilience.
Sa botong 181 na yes, 5 na no at 2 na abstain lumusot ang panukala na naglalayong palakasin ang kapasidad ng pamahalaan sa paghahanda at pagtugon sa kalamidad.
Kapag naging ganap na batas ang DDR ang magiging pangunahing ahensya ng pamahalaan na mangunguna at responsable sa pangangasiwa sa hakbang ng gobyerno para maibsan ang panganib ng kalamidad, paghandaan ito at ang pag-recover sakaling manalasa na ang kalamidad.
Bubuwagin na dito ang NDRRMC at papalitan ng isa ring lupon na mapapasailalim ng DDR.
Kaugnay nito hiniling naman sa senado ng isa sa pangunahing may akda ng panukala na si Leyte Rep. Yedda Romualdez na kaagad pagtibayin ang panukala upang maisumite agad sa pangulo upang maging ganap na batas.
Ayon kay Romualdez, ang paggarantiya ng disaster resilience ang tanging susi para makapagligtas ng mas maraming buhay at ari-arian sa lugar na madalas bagyuhin gaya ng Pilipinas.