Rehabilitasyon sa mga sports complex mamadaliin matapos masawi ang 11-anyos na atleta

Rastafari Daraliay

Isasailalim sa rehabilitasyon ang mga bahagi ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila at Phisports Complex sa Pasig City.

Ito ay matapos ang pagkasawi ng 11 anyos na wushu pool athlete na si Rastafari Daraliay, makaraang mahulog sa tinutulugang double-decker bed sa RMSC.

Ayon kay Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez, gagawin nilang prayoridad ang pagsasaayos ng dormitoryo ng mga atleta.

Sinabi ni Ramirez na ang naturang insidente ay nagpapaalala lamang na kailangan natalagang madaliin ang renovation sa mga sports facilities sa bansa.

Nabatid na matapos mahulog, nagawa pa ni Daraliay na bumalik sa higaan pero hindi na ito nagising.

Dinala ito sa ospital at idineklarang dead on arrival.

Read more...