Apat na bahay sa Cebu nasunog

Tinupok ng apoy ang apat na mga bahay sa isang residential area sa Argao, Cebu.

Naganap ang sunog alas 5:50 ng umaga ng Martes (Oct. 2) sa Lakandula Street, Barangay Poblacion.

Itinaas sa unang alarma ang sunog,

Ayon sa inisyal na ulat mula sa Argao Fire Station, sa bahay ng isang Jun Fuentes nagmula ang apoy.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Read more...