2 arestado sa buy-bust sa Makati

Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy bust operation sa magkaibang barangay sa Makati City.

Unang nadakip ang isang suspek na si alyas “Hector” sa barangay Olympia na nakuhanan ng apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Matapos ito, tinungo naman ng mga tauhan ng Makati City police ang Barangay Valenzuela kung saan natimbog ang isa pang suspek na nakuhanan ng walong sachet ng shabu.

Kapwa nagtatrabahong delivery boy ang dalawang naarestong suspek.

Read more...