Aniberasaryo ng mass shooting sa Las Vegas ginunita

Photo: Nevada Gov. Brian Sandoval

Ginunita sa Amerika ang unang anibersaryo ng mass shooting sa Mandalay Bay sa Las Vegas.

Umabot sa 58 ang nasawi noong Oct. 1, 2017 nang mamaril ang suspek na si Stephen Paddock mula sa ika 32 palapag ng tinutuluyan niyang unit sa kasagsagan ng outdoor festival na dinadaluhan ng 22,000 na katao.

Nagpakamatay si Paddock bago siya maaresto ng mga pulis.

Sa ginawang sermonya para alalahanin ang mga nasawi, nagpalipad ng mga kulay putong kalapati.

Inalala din ni Nevada Gov. Brian Sandoval ang insidente na aniya ay pinakamatinding pagsubok na pinagdaanan ng estado.

Sa kabila nito sinabi ni Sandoval na matapos ang insidente ay lalo pang naging mas malakas ang mga residente ng Nevada.

Read more...