Pakistani national arestado matapos mahulihan ng mga pampalaglag sa Maynila

Arestado ang isang Pakistani national sa Sta. Cruz, Maynila matapos mahulihan ng pampalaglag.

Ang suspek na mayroong apilyidong Faisal ay nakuhanan ng 500 piraso ng tableta na pampalaglag.

Tinataya ng mga otoridad na nagkakahalaga ito ng P25,000.

Depensa ng dayuhan na-set up lamang siya ng supplier ng naturang mga pampalaglag.

Hawak na ng mga tauhan ng Manila Police District ang naturang dayuhan.

Read more...