Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makikita lamang sa +54 na net satisfaction rating ng pangulo na nauubusan na ng ibabatong isyu ang mga kritiko ng pangulo.
Aniya pa, inakala umano ng mga kritiko ni Pangulong Duterte na patuloy na sasadsad ang rating ng punong ehekutibo ngunit hindi aniya ito mangyayari.
Ngunit ayon kay Roque, bagaman maganda ang pagtanggap ng publiko sa pangulo kahit na mayroong mga kinakaharap na isyu ang bayan tulad ng inflation at kakulangan ng bigas, ay hindi ratings ang pinagtutuunan ng pansin ni Pangulong Duterte. Aniya, mas importante pa rin ang pagtatrabaho ng pangulo para sa mga mamamayang Pilipino.
Sa third quarte survey ng SWS tumaas ng siyam na puntos ang net satisfaction rating ng pangulo. Ibig sabihin nito, ‘very good’ ang rating ng punong ehekutibo.