Kaugnay pa ito ng naging viral video ni Bertiz na pagiging arogante sa isang aiport personnel at hindi pagsunod umano sa security protocol ng NAIA.
Ayon kay Go, naging kanyang kaibigan at ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bertiz at madalas nakakasama sa mga biyahe sa ibang bansa para kumustahin ang mga OFW.
Aniya kinakailangan na maging ehemplo ang mga opsiyal ng gobyerno sa mga mamamayan.
Binigyang diin ni Go na sila ay nasa pamahalaan ay para magsilbi at hindi makakuha ng special treatment.
Dagdag pa niya, ang pagkakaroon ng mabuting asal ar disiplina ay susi sa pagkakaron ng pag-unlad ng bayan.
MOST READ
LATEST STORIES