Nais ni US President Donald Trump na magkaroon ng malalimang imbestigasyon ang FBI kaugnay sa mga sexual misconduct allegations laban kay US Supreme Court nominee Brett Kavanaugh.
Gusto rin ni Trump ng isang mabilis na imbestigasyon pero binigyang diin niya na ayaw niyang makakita lang ng ‘witch hunt’.
Ayon kay Trump, ang imbestigasyon ng FBI ay nakaangkla sa gustong masuri ng mga Senate Republicans.
Nagpahayag naman si Trump ng suporta at simpatiya kay Kavanaugh na kanyang nominee para sa US Supreme Court.
Si Kavanagh ay isang conservative federal appeals court judge ay nahaharap sa mga alegasyon sa mga sexual misconduct nito.
MOST READ
LATEST STORIES