Philippine Dragon Boat Team, nanawagan ng incentive sa PSC

Courtesy of AP

Nanawagan ang mga miyembro ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation sa Philippine Sports Commission
(PSC) na mabigyan sila ng incentive matapos makasungkit ng limang gintong medalya sa ginanap na 2018 International
Canoe Federation World Championship sa Lake Lanier sa Georgia, USA.

Bukod sa mga limang ginto, ay nakapag-uwi din ang Philippine team ng dalawa pang silver medal.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay nagtungo ang mga ito sa Malakanyang para humingi ng tulong
para mabigyan ng incentive mula sa PSC.

Aniya kaniyang ipaparating sa pangulo ang panawagan ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para mabigyan ang mga ito ng incentive katulad ng mga nakasungkit ng medalya sa ginanap na Asian Games sa
Jakarta, Indonesia.

Read more...