4 patay sa paghagupit ng Typhoon Trami sa Japan

Courtesy of AP

Hindi baba sa apat na katao ang nasawi habang nasa 200 katao ang sugatan dahil sa pananalasa ng Typhoon Trami sa
Japan.

Ang mga nasawi ay nagmula sa mga prefectures ng Yamanashi, Shiga, Kyoto at Tottori.

Ayon sa ulat, ang mga sugatan ay naitala mula sa 30 prefectures ng bansa.

Ang Japan ay may kabuang bilang na 47 na mga prefectures.

Samantala, lubhang naapektuhan ng bagyo ang daloy ng transportasyon sa Tokyo dahil sa naging epekto ng bagyo.

Napilitan ang mga operator ng mga public transport na itigil ang kanilang operasyon noong araw ng Linggo sa Central,
Eastern at Western Japan.

Na-delay naman ang muling pagbubukas ng serbisyo sa Tokyo dahil sa mga nagbagsakang mga puno at isinagawang
pagsusuri sa mga ito.

Una nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Trami na pinangalang Bagyong Paeng./

Read more...