Tulay ng Kabataan Foundation sa Quezon City, nasunog

Tulay ng Kabataan via Erwin Nov 3
Kuha ni Erwin Aguilon

Nasunog ang bahagi ng Tulay ng Kabataan Foundation sa K-H kanto ng K-7th Street sa West Kamias Road sa Quezon City.

Ang nasabing foundation ay kumakalinga sa mga kabataang inabandona o hindi kayang arugain at palakihin ng kanilang magulang.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali alas 5:05 ng umaga. Umabot lamang sa unang alarma ang sunog dahil mabilis na nakaresponde ang mga bumbero.

Alas 5:40 ng umaga ay idineklara nang fire out ang sunog.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.

Read more...