Filipina doctor patay matapos masagasaan ng truck sa Bahrain

Pinay Killed Bahrain
Grabbed from Mohd Hussain’s Video

Patay ang isang Pinay na nagtatrabaho sa Bahrain bilang isang doktor.

Sa ulat ng Gulf Daily News nasawi ang hindi pinangalanang Pinay matapos masagasaan ng 16 wheeler truck noong gabi ng October 29.

Naganap ang aksidente alas 9:00 ng gabi sa Budaiya Highway sa Jidhafs.

Sa kuha ng security camera sa lugar, naglalakad ang hindi pa pinangalanang pinay nang umandar ang truck at nasagasaan ang biktima.

Naimpormahan na ng embahada ng Pilipinas ang pamilya ng biktima kaugnay sa pangyayari.

Read more...