Pagbaba ng unemployment sa bansa, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng satisfaction ratings ni Pang. Duterte

Inquirer Photo

Naniniwala ang Malakanyang na ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabahong Filipino ang dahilan ng pagtaas ng satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong quarter ng taon.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, nakikita kasi ng publiko na sa kabila ng ingay sa pulitika, todo-trabaho ang administrasyong Duterte para matugunan ang pangangailangan ng taong bayan.

Bukod sa pagbibigay trabaho, tinututukan din aniya ng pangulo ang pagpapalakas ng demokrasya ng bansa.

Base Social Weather Stations survey na isinagawa noong Sept. 15 hanggang 23, 70 percent sa 1,500 na adults respondents ang nagsabi na kuntento sila sa pamamalakad ng pangulo.

Read more...