P2P buses na biyaheng Las Piñas – Makati, umarangkada na

Nagsimula nang bumiyahe ngayong araw ang P2P buses na mayroong ruta na Las Piñas City – Makati City at vice versa.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), P100 ang pamasahe sa nasabing ruta.

Maaring makasakay ng P2P bus sa Pilar Station kung galing ng Las Piñas, at sa Circuit Lane naman kung galing ng Makati.

Alas 5:30 ang unang biyahe ng P2P buses.

Ang drop off point ng bus ay sa Landmark at sa Ayala Triangle sa Makati City.

Read more...