Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinututukan ng embahada ng Pilipinas ang kasong pagpatay sa isang Pinay sa Kista, Sweden.
Ayon sa DFA, ang Pinay na si Mailyn Conde Sinambong, 28 anyos ay pinatay ng kaniyang Swedish na asawa na si Steve Aron Bakre Aalam.
Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano,nakikipag-ugnayan na ang DFA sa pamilya ng Pinay at nakausap na nila ang ina nito na si Ginang Maria Montano.
Tiniyak din ni Cayetano na maipagkakaloob ang lahat ng tulong na kinakailangan ng pamilya ni Mailyn lalo na sa pag-uwi ng mga labi nito.
Aasistihan din ng Pamahalaan ang pamilya ni Mailyn para matiyak na mabibigyang hustisya ang kaiyang pagkamatay.
Hawak na ngayon ng mga otoridad sa Sweden ang asawa ni Mailyn at nahaharap ito sa kasong murder.