Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang Surigao del Norte alas-4:21 kaninang madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 14 kilometro Timog-Kanluran ng Malimono.
May lalim na 22 kilometro ang pagyanig at tectonic ang dahilan.
Naitala ang instrumental intensity III sa Surigao City.
Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES