Pagtaas sa presyo ng LPG hindi dapat umabot sa P2

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na talagang may pagtataas sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG).

Sa isang panayam, sinabi ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido na sa kanilang projection ay may pagtaas ngunit hindi dapat aabot sa dalawang piso sa kada kilo.

Ngayong araw ay magpapatupad ng higit dalawang pisong dagdag ang mga kumpanya sa kanilang mga produktong LPG.

Ani Pulido, sa ilalim ng batas ay hindi pwedeng idikta ng kagawaran ang presyo ng LPG dahil ito ay deregulated industry.

Sinabi ng opisyal na dahil ang LPG ay isang byproduct ng crude oil, susunod ito sa paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Kinumpirma ni Pulido na mayroon talagang trend na tataas ang presyo.

Nakakaapekto anya sa presyo ay ang geopolitical issues tulad ng pagpataw ng US ng sanction sa Iran at kinahaharap na problema ng Venezuela.

Dahil dito ay apektado anya ang suplay sa world market.

Read more...