Maegan Aguilar nagbalik-Islam

Maegan Aguilar Facebook

Nagbalik-Islam si Maegan Aguilar na anak ng singer na si Freddie Aguilar.

Sa isang Islamic conference na ginanap sa Pasay City, nasaksihan ng halos 1,000 mga Muslim ang pagbabalik-Islam ni Aguilar.

Ayon dito, nakumbinse siyang mag-Muslim dahil nakita niya sa kanyang ama na naunang nagbalik-Islam, ang mga magagandang pagbabago.

Paliwanag pa nito, walang sinuman na pumilit sa kanya na mag-Muslim at tanging kanyang sariling desisyon ito.

Sa kanyang pagbabalik-Islam, binanggit ni Aguilar ang Shahada na isang Islamic creed na nagdedeklara ng kanyang pananalig kay Allah at pagtanggap kay Mohammad bilang kanyang propeta.

Hindi naman bukas ang seremonya sa pagkuha ng mga litrato bilang paggalang sa pagbabalik-loob ni Aguilar sa Islam.

Read more...