Fiji niyanig ng M6.8 na lindol

USGS

(UPDATED AS OF 7:27PM) Naramdaman ang isang malakas na pagyanig sa Ndoi Island, Fiji kaninang alas-6:52 ng gabi, oras sa Pilipinas o 10:52 oras sa Fiji.

Ayon sa USGS, magnitude 6.8 na lindol ang yumanig sa 270 kilometro hila-hilagang silangan ng Ndoi Island.

May lalim ang lindol na 591 kilometro.

Batay naman sa US Tsunami Warning System, wala namang nakataas na anumang tsumani alert sa West Coast ng Estados Unidos, maging sa British Columbia, o Alaska.

Paliwanag ng ahensya, masyadong malalim ang pinagmulan ng lindol kaya hindi ito inaasahang magdadala ng tsunami.

Samantala, naglabas na rin ang PHIVOLCS ng abiso na walang anumang banta ng tsunami sa bansa dahil sa naganap na pagyanig sa Fiji.

Read more...