Babae natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City

Wala nang buhay ang isang babae nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay sa Barangay 178, Camarin Dos, Caloocan City.

Kinilala ang babae na si Evangeline Gonzales, 52 taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, isang Jose Francisco ang tumawag sa kapitbahay ng babae upang ipaalam na nakita niya ang nakahandusay na katawan ng biktima sa loob ng kanyang sariling bahay.

Nagtungo ang kapitbahay na si Delia Samson sa bahay ni Gonzales at nakumpirmang walang malay ang biktima sa sahig.

Agad na tumawag ng mga kawani ng barangay at pulisya si Samson na silang pumasok sa bahay ni Gonzales. Doon na napag-alamang wala nang sensyales ng buhay ang babae.

Ayon naman sa kapatid nito na si Lito Reyes, mayroong hika, hypertension, at sakit sa puso si Gonzales.

Dinala na ang bangkay ng babae sa punerarya kung saan ito isasailalim sa autopsy.

Read more...