EJK statement ni Duterte, hindi sapat na ebidensya – Gordon

Kumpiyansa si Senador Richard Gordon na hindi sapat na rason para maging incriminating evidence ang naging pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging ang extrajudicial killings lamang ang kanyang kasalanan.

Paliwanag ni Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon, maari lamang maging ebidensya ang pahayag ng pangulo kung may kalakip na ibang ebidensya gaya halimbawa kung sino ang ipinapatay ng pangulo, kung kailan ipinapatay at kung paano pinatay.

Iginiit pa ni Gordon na walang sinumang indibidwal ang maaring maging testigo para sa kanyang sarili.

Una rito, sinabi ni dating Ateneo School of Law dean Antonio La Vina na maaring makasuhan ang pangulo sa kanyang pahayag dahil sa culpable violation ng konstitusyon.

Read more...