Umabot na sa 50 ang sugatan sa pananalasa ng Typhoon Trami sa mainland Japan.
Sa Okinawa, 40 na katao ang nagtamo ng minor injuries dahil sa naranasang pagbabaha at pagkasira ng mga bahay.
Sa Kagoshima naman, 10 naman ang nasugatan dahil sa pagbugso ng ulan at hiwa mula sa mga sirang bintana.
Ayon sa mga lokal na opisyal, walang napaulat na nasawi sa kalamidad.
Sa pagtama ng bagyo, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng bullet trains sa western Japan at kinansela ang mahigit 1,000 flights sa paliparan.
Nawalan na rin ng kuryente ang 300,000 kabahayan sa lugar.
Ayon pa sa ulat, nag-isyu na rin ang otoridad ng non-compulsory evacuation advisories sa 349,000 na residente.
Hinikayat ni Masaaki Tamaki, opisyal mula sa disaster management section ng Kagoshina, ang mga residente na manatili sa loob ng kanilang bahay dahil sa mapanganib na sitwasyon sa lugar.