Humihirit si Senate Minority leader Franklin Drilon sa Supreme Court na makialam na sa Proclamation 572 na nagpapawalang-bisa sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV pati na ang pagbuhay sa kanyang kasong kudeta.
Ayon kay Drilon, bilang final arbiter, dapat nang siyasatin ng Kataas- taasang hukuman ang kasalukuyang judicial system na malinaw nang labag sa pinaka-basic na constitutional at legal principles.
Sinabi pa ni Drilon na lahat ng mga abogado maging ang mga nag-aaral pa lamang ng abogasiya ay naniniwalang hindi na tama ang ginagawa ng gobyerno sa kaso ni Trillanes.
Umaasa si Drilon na maitatama at maibabalik ng Korte Suprema ang judicial stability sa bansa.
Hindi lang aniya si Trillanes ang maapektuhan sa Proclamation 572 kundi maging si AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na nabigyan din ng amnestiya dahil sa pag-aaklas laban sa pamahalaan may ilang taon na ang nakararaan.