Tinutulungan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang siyam na Filipino seafarers na kabilang sa mga biktima ng bumagsak na eroplano ng Papua New Guinea sa Micronesia.
Nag-crash ang Air Niugini Boeing 737-800 plane sa karagatan matapos mag-overshoot sa runway sa Micronesia.
Ayon kay Consul General Marciano de Borja, magbabakasyon sana ang mga Pinoy sa Pilipinas nang biglang nag-cracsh ang eroplano sa isang karagatan matapos subukang lumapag sa Chuuk Island Airport.
Nakatakda namang sumakay sa panibagong flight ang siyam na Pinoy patungong Maynila.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Consulate General sa Air Niugini para sa luggage ng mga ito.
Ayon sa Air Niugini, wala namang malubhang nasugatan sa insidente.
Samantala, sa tala ng DFA, isang pasahero pa ang nawawala habang ligtas naman ang 46 pang pasahero.