Tumalon ang biktima na si Renato Samson, 39-anyos, sa kanal nang makitang inaagos ng malakas na tubig sina Katleen Quiambao, Gemmalyn Pineda (11-anyos) at ang 10 taong gulang na si Rosewell Aquila, Sabado ng hapon.
Nahulog ang tatlong bata habang sinusubukang kunin ang nahulog na pera sa tubig.
Nailigtas naman ni Samson ang dalawang bata ngunit nang subukang sagipin ang ikatlo, nagkaroon na ito ng muscle cramp at napunta sa malalim na parte ng kanal.
Ligtas namang nakuha ng ilang rescuers ang huling bata.
Narekober ang katawan ni Samson isang kilometro ang layo matapos ang tatlong oras na paghahanap.
MOST READ
LATEST STORIES