Nolyn Cabahug, pumanaw na

 

Pumanaw na ang tinaguriang ‘Tenor ng Bayan’ na si Nolyn Cabahug.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, kinumpirma ng anak niyang si Marian Cabahug ang pagkamatay ng kanyang ama sanhi ng kumplikasyon sa karamdaman sa bato o kidneys.

Anim na taon na ang nakakalipas nang makumpirma ang karamdaman nito sa bato at dumaan sa serye ng mga medical operations.

Bumubuo sana ng isang benefit concert ang kanyang mga kaibigan para sa sikat na tenor soloist na itinakda sa Nvember 5.

Tampok sa isasagwa sanang benfit concert ang mga singer artists na sina dulce, richard merk at marami pang iba.

Kilala si Cabahug hindi lamang sa PIlipinas kung hindi sa ibang bansa.

Nakarating ang galing ni Cabahug sa US, Canada, Europe at Australia.

Read more...