Lebron James, makikita nang maglaro kasama ang LA Lakers

AFP photo

Sa kauna-unahang pagkakataon, makikita na ng mga fans ni NBA superstar Lebron James ang paglalaro nito kasama ang Los Angeles Lakers
para sa unang laro ng preseason games.

Ayon kay Lakers coach Luke Walton, tatapatan ng koponan ang Denver Nuggets kung saan naroon naman sina Isaiah Tomas at Pail Millsap.

Hindi naman sinabi ni Coach Walton kung ilang minuto maglalaro si James sa napipintong laban sa araw ng Lunes, oras sa Pilipinas.

Sa tingin naman ni Lakers reporter Mike Trudell, hindi gaanong magtatagal sa hard court si James sa kanilang unang laban.

Sa isang interview kay Lebron, sinabi nito na hindi na niya kailangan ng pre-season para maghanda sa paparating na 2018-2019 season.

Read more...