2 patay, 2 sugatan matapos mahulog ang delivery van sa Quezon

Nasawi ang drayber at isang pahinante habang sugatan ang dalawang iba pa makaraang mahulog ang isang 10-wheeler van sa tulay ng Maharlika Highway sa Pagbilao, Quezon.

Ayon sa otoridad, naganap ang aksidente sa sa bahagi ng Barangay Malicboy bandang 7:00, Sabado ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – Pagbilao, nawalan ng preno ang delivery van habang binabaybay ang pababang bahagi ng kalsada.

Papunta sana ang van sa Maynila at nagmula sa Bicol.

Nahirapan naman ang otoridad sa isinagawang rescue operations dahil sa tindi ng pagkakasira ng van.

Samantala, kritikal ang lagay ng dalawang sugatan sa ospital sa Lucena.

Read more...