‘Alpha, The Right to Kill’ ni Brillante Mendoza, nagwagi ng Special Jury Price sa Spain

Alpha press conference sa SM Megamall noong September 7, 2018 / Photo credit: Brillante Mendoza’s Twitter account

Nagwagi ng Special Jury Price ang pelikula ng Filipino Director na si Brillante Mendoza sa ginanap na San Sebastian International Film Festival sa Spain.

Tinalakay sa pelikula ng batikang direktor ang nagaganap na war on drugs ng administrasyong Duterte.

Isinulat ito ni Troy Espiritu na siya ring nagsulat ng 2016 Cannes Film festival entry na “Ma’ Rosa.”

Ang obra ni Mendoza ay binuhos ng papuri mula sa iba’t ibang kritiko sa naturang film festival.

Nakalaban ng “Alpha” para sa kategorya ng Special Jury Price ang “Beautiful Boy” ni Felix Van Groeningen, “A Faithful Man” ni Louis Garrel at, “In Fabric” ni Peter Strickland.

Matatandaang nanalo si Mendoza ng Best Director award sa 2009 Cannes Film Festival para sa pelikulag Kinatay.

Read more...