MRT, nagkaaberya; 400 na pasahero, pinababa

Nagkaroon na naman ng panibagong aberya ang isang tren ng Metro Rail Transit-3, Linggo ng umaga.

Sa abiso ng DOTr MRT-3, apektado ng aberya ang Southbound train sa Ayala station dahil sa electrical failure sa motor dakong 8:18 ng umaga.

Dahil dito, pinababa ang mahigit 400 na pasahero.

Agad din namang napasakay at nailipat ng tren ang mga pasahero matapos ang anim na minuto.

Nagsagawa naman na anila ng preventive maintenance at pagpalit sa ilang electrical component.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng DOTr MRT-3 sa nangyaring aberya.

Read more...