Pilipinas, nakiramay sa mga nasawi sa lindol at tsunami sa Indonesia

Nagparating ng pakikiramay ang Pilipinas sa pagkasawi ng hindi bababa sa 400 na katao dahil sa tumamang lindol at tsunami sa Central Sulawesi, Indonesia.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nakikisa ang Pilipinas sa pagdarasal sa mga namatay sa trahedya.

Handa aniya ang Pilipinas na mag-abot ng tulong para sa Indonesia.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong T. Wee, apektado ng lindol at tsunami ang provincial capital ng Palu at Donggala.

Ani Wee, isang Pilipino lang ang naninirahan sa lugar. Ligtas naman aniya ito sa Lapas Penitentiary.

Read more...