Ito ang tugon ni Senador Franklin Drilon sa panghihikayat ng mga tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag seryosohin ang kanyang mga sinasabi.
Partikular ito sa naging pag-amin ng presidente na kasalanan niya ang extrajudicial killings (EJK).
Sa isang panayam sinabi ng senador na ang mga tagapagsalita lamang ni Pangulong Duterte ay ang spokespersons sa buong mundo na katangi-tanging nagsasabi na huwag seryosohin ang sinasabi ng presidente.
Ani Drilon, ang bawat pahayag ng lider ng bansa ay dapat laging sineseryoso.
Hindi anya ordinaryong mamamayan o senador ang presidente kundi pinuno ng nasa 105 mlyong Filipino.
Sa isang pahayag kahapon, araw ng Sabado ay muling ipinagtanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag ng pangulo sa EJK noong Huwebes.