M3.1 na lindol, naitala sa Northern Samar

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Northern Samar alas-6:52 ngayong umaga.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 41 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Palapag.

May lalim ang pagyanig na 12 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...