CHR, parehong sinisi ang AFP at NPA sa pagpatay sa mga Lumad

 

Marianne Bermudez/Inquirer

Parehong nagre-recruit ng mga Lumad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army (NPA) ayon sa Commission on Human Rights.

Ayon sa kanilang pahayag, itinuturo ng CHR ang AFP at NPA na may kinalaman sa pagpatay sa mga kasapi ng komunidad ng mga indigenous people (IP) sa Mindanao simula noon pang 2001.

Inilabas ng CHR ang pahayag sa harap ng daan-daang mga Lumad mula sa Mindanao ang nagprotesta sa Maynila sa pag-asang dinggin sila ng mga ahensya ng gobyerno.

Dito rin sa pahayag na ito laharang idinawit ng CHR ang militar sa pagiging isa sa mga responsable sa pagpatay sa mga Lumad.

Walang pinanigan ang CHR, sa pamumuno ni Jose Luis Martin Gascon, sa awayan ng AFP at NPA sa lugar ng mga Lumad at sinabing parehong may kasalanan ang dalawa.

Samantala, inanyayahan ni Jomorito Goaynon na pinuno ng Kalumbay, isang regional lumad organization, ang sinumang nais maintindihan ang kanilang sitwasyon sa Mindanao na puntahan sila sa Liwasang Bonifacio dahil ganoon rin ang kanilang nararanasan sa kanilang rehiyon.

Umalis na kasi sila sa University of the Philippines- Diliman akung saan sila ay pansamantalang namalagi simula Oktubre.

Aniya, mananatili ang nasa 700 miyembro ng mga samahan ng mga Lumad sa Maynila hanggang November 22.

Read more...