P10M emergency assistance, iniabot ng NHA sa Itogon, Benguet

Kuha ni Erwin Aguilon

Ibinigay ng National Housing Authority (NHA) ang tseke na nagkakahalaga ng P10 milyon sa lokal na pamahalaan ng Itogon, Benguet bilang emergency assistance sa mga biktima ng landslide na naganap sa lugar.

Mismong si NHA General Manager Jun Escalada ang nag-abot ng tseke kay Itogon Mayor Victorio Palangdan sa harap ng mga residente.

Ayon kay Escalada, ang naturang halaga ay nanggaling sa tanggapan ng pangulo.

Inutusuan anya siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tingnan ang naging lawak ng pinsala upang malaman kung paano makakapagbigay ng tulong ang ahensya.

Ani Escalada, kailangan matukoy ni Mayor Palangdan ang mga kwalipikadong benepisyaryo na kukumpunihin ang mga bahay.

Gagamitin ang pera pambili ng pako, buhangin, graba, semento, bakal at iba pang kakailangan para sa pagbuo ng bahay ng mga residente.

Tiniyak ng NHA official ang buong suporta ng ahensya sa kakailanganing construction materials ng mga residente.

Umaasa siyang ang tulong na ibinigay ng pangulo ay kahit paano ay makapagbibigay-ginhawa sa mga apektadong pamilya.

Read more...