DZIQ Radyo INQUIRER 990, nominado sa 3rd PUP Mabini Media Awards

Patuloy ang pag-arangkada ng DZIQ Radyo INQUIRER 990.

Ito ay matapos itong manomina bilang ‘Best AM Radio Station of the Year’ sa 3rd PUP Mabini Media Awards.

Ang Mabini Media Awards ay ang pinakalamalaking students-choice award giving body sa buong bansa.

Ito ay dahil ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay ang pinakamalaking pamantasan sa buong bansa kung student population ang pag-uusapan.

Inaasahang nasa 70,000 estudyante sa buong PUP System ang boboto sa naturang parangal.

Ito ang unang pagkakataon na nanomina ang DZIQ 990 sa Mabini Awards.

Read more...