M3.5 na lindol naitala sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Eastern Samar hapon ng Sabado.

Sa earthquake information no.2 na inilabas ng Phivolcs alas-11:45 ng gabi, itinaas ang intensities na naitala bunsod ng pagyanig.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometro Hilagang-Silangan ng Borongan.

May lalim itong 15 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang intensity III sa Borongan City at San Julian, Eastern Samar habang Intensity II naman sa Maydolong, Eastern Samar.

Hindi inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...