
Nakatakdang bumalik si American singer na si David Archuleta sa Manila sa kaniyang Christmas concert.
Inanunsiyo ito ni Davis matapos mag-post ng video sa kaniyang Facebook account.
Aniya, magkakaroon siya ng benefit concert sa Kia Theater sa darating na November 16, 2018.
Ito ay para sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng Mabuhay Deseret Foundation.
Mapupunta aniya ang malilikom na pondo para sa operasyon ng mga pasyente ng may katarata, cleft palate, lip, cross-eyes at club feet.
Makakasama naman ni David ang Filipino artists na sina Anton Antenorcruz, Mikee Misalucha at JBK.
MOST READ
LATEST STORIES