64 na rebelde, sumuko sa Compostela Valley

Inquirer file photo

Sumuko ang 64 na rebelde mula sa iba’t ibang barangay sa Compostela Valley.

Ayon sa tagapagsalita ng Department of National Defense (DND) na si Arsenio Andolong, mabibigyan ng benepisyo ang mga sumukong rebelde sa ilalim ng “Task Force Balik-Look.”

Mapagkakalooban ang mga ito ng tig-P65,000 na tseke mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa immediate at livelihood assistance.

Maliban dito, binayaran pa ng karagdagang P10,000 hanggang P75,000 ang 25 na rebeldeng nagsuko ng kanilang mga armas.

Depende ito sa uri at kondisyon ng mga armas na isinuko sa Enhanced Comprehensive Livelihood Integrated Program (E-CLIP).

Samantala, sa turnover ceremony sa Provincial Capitol of Compostela Valley, hinikayat naman ni Task Force chairman Reynaldo Mapagu ang mga nalalabing rebelde na sumuko na rin sa mga otoridad.

Sinabi ni Mapagu sa mga sumukong rebelde na naniniwala siyang magsisilbi silang inspirasyon sa kanilang mga kasamahan para isipin na walang magandang kinabukasan sa madugong digmaan.

Read more...