Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar, Sabado ng hapon.
Sa impormasyon ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 17 kilometers Northeast ng Borongan dakong 4:10 ng hapon.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 17 kilometers.
Dahil dito, naramdaman ang Intensity III sa Borongan City.
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES