Nakararaming Pinoy, nagsabing bulgar ang ‘stupid God’ remark ni Duterte – SWS

Photo credit: SWS curvey

Karamihan ng mga Pilipino ang nagsabi na ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘God is stupid’ ay bulgar.

Ayon sa Third quarter 2018 Social Weather Stations (SWS) survey, 83 percent ng mga Pinoy ang nagsabing bastos ang ‘stupid God’ remark ng pangulo habang 14 percent ang nagsabi na hindi ito bastos at 3 percent ang nagsabi na hindi nila alam.

Matatandaang sa kaniyang talumpati noong June 22 ay ininsulto ni Duterte ang Diyos dahil sa konsepto ng original sin at sinabi nitong stupid ang Diyos.

Sa umpisa ay nagmatigas ang pangulo na mag-sorry dahil sa pahayag na ‘God is stupid’ pero kalaunan ay humingi ito ng paumanhin matapos umani ng batikos ang kaniyang sinabi.

Read more...