Bilang ng nasawi sa lindol at tsunami sa Indonesia, umakyat sa 384

Umakyat na sa 384 ang namatay sa lindol at tsunami sa Sulawesi sa Indonesia.

Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga nasawi ay inanod ng mga higanteng alon habang sila ay nasa mga beach.

Patuloy ang malakas na aftershocks sa naturang coastal city kasunod ng pagtama ng hanggang anim na metro o 18 feet na alon sa lugar bunsod ng magnitude 7.5 na lindol.

Tumama ang tsunami habang naghahanda ang daan-daang katao sa beach festival para ipagdiwang ang anibersaryo ng Palu.

Bukod sa death toll ay naitala ang 540 katao na nasugatan sa magkasunod na trahedya.

Read more...