Pila sa huling araw ng voter’s registration sa 2nd district ng Manila, mahaba pa rin

Kuha ni Alvin Barcelona

Nananatiling mahaba ang pila sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) hanggang 4:00 ng hapon para sa 2nd district ng Lungsod ng Maynila sa huling araw ng pagpaparegistro para sa 2019 midterm elections.

Kabilaan ang mahabang pila sa Comelec office sa Aroceros dahil patuloy na pagdagsa ng mga residente na gustong magparehistro.

Ayon kay Comelec election officer Atty. Cristine Glindo, base sa kanilang datos hanggang mula 8:00 hanggang 4:00 ng hapon, mahigit 300 ang nakapag-parehistro.

Wala pa naman silang nakaka-engkwentro na malaking problema.

Gayunman, may ilang nagrereklamo dahil hindi daw sila nagbigyan ng number at hindi na mabibigyan ng pagkakataon ng Comelec.

Ayon kay Atty. Glindo, bibigyan nila ng number ang mga nakapila hanggang 5:00 ng hapon at pipilitin na tapusin ang lahat kahit na abutin sila ng gabi.

Muling ipinaalala ng Comelec ang huling araw registration at wala nang extension dahil ito ay maaaring maka-apekto
sa calendar of activities para sa 2019 elections.

Read more...