70% ng mga Pinoy, kuntento sa performance ni Duterte; Net satisfactiong rating ni Duterte, tumaas – SWS

SWS photo

Kuntento ang nakararaming Pilipino sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa Third Quarter 2018 survey, lumabas na 70 percent sa mga Pilipino ang satisfied, 16 percent ang dissatisfied habang 14 naman ang undecided.

Limang puntos itong mas mataas kumpara sa June 2018 survey.

Dahil dito, tumaas ang net satisfaction rating ni Duterte sa +54 o ‘very good.’

Tumaas ito ng siyam na puntos mula sa kaniyang huling record na +45.

Isinagawa ang survey sa 1,500 respondents na may edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face interview mula September 15 hanggang 23, 2018.

600 sa mga ito ay mula sa Balance Luzon habang tig-300 sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Mayroon itong sampling error margins na ±3% sa national percentages, ±4% sa Balance Luzon at tig-±6% sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.

SWS photo

Read more...